Tuesday, July 9, 2013

Si Simon, Paul at Fidel

Sa dami-dami ng mga taong nagdidiwang ng kanila-kanilang kaarawan nauubusan na rin ako ng concepto kung paano ko babatiin ang mga taong mahahalaga sa buhay ko at kung hindi mga taong kahit papaano naka inpluwensiya ng pananaw ko sa buhay. Katulad ng taong ito na nag-iba ng pananaw ko sa salitang "generosity".



Pinalaki ako ng aking ina sa pagmamahal at pagpapakita ng mabuting asal. Ang pagtulong o pagbibigay ng anumang bagay sa aking kapwa ay isa sa mga natutunan ko sa kanya, bagay na hanggang ngayon ay isinasabuhay sa aming pamilya pero mas umigting ang pagkakaintindi ko sa salitang iyon ng nakilala ko siya..Si Kuya Jose Fidel Luison Kakilala.


Kung meron isang bagay na sobrang natutunan ko sa kanya, iyon ay ang kahalagahan ng "giving". Alam natin lahat na "to give is better than to receive", pero mas ipinaintindi niya sa akin na "giving is tithing". Lahat ng bagay sa mundong ito tangible man o intangible, lahat nagmula sa kanya...God. Kapag ang tao ay willing to bless you, wag na wag mong pipigilan ang cycle ng blessings. Titigil ka lang kung sa tao ka na umaasa hindi sa primary source of everything.

Isa pang bagay na sobrang ikakatuwa ko sa kanya ay and simpleng pag-admire niya sa mga bagay-bagay. Kahit ano atang gawin ko na may kinalaman sa arts ay sobrang na-appreciate niya. Isa siya sa nga unag tao na nagtiwala sa aking angking galing sa sining (ahem, ahem). Sa tiwalang binigay niya na kaya kong humarap sa mga bata at ihatid ang message ni Lord. Isang quality ng leader na di dapat mawala. Kaya naman sa iyong kaarawan, kahit na late na ako. Nais ko lamang sabihin na sobrang nagpapasalamat ako sa mga bagay na tinuro mo sa akin sa loob ng maikling panahon. Sa tiwalang kaya kong panatilihin ang apoy bilang isang volunteer. Happy Birthday Kuya Fi!



©impulselee,May 2013. All Rights Reserved


Friday, June 14, 2013

The Door Keeper


Ito nanaman ang mga daliri ko sa maingay na keyboard. Kakaiba ang nararamdaman ko sa tuwing may naisusulat ako...tula, sanaysay, comment at blog...naihahayag ko kasi ang damdamin ko...at sa tuwing may mga taong naghahayag ng kanilang pananaw sa mga naisusulat ko mas lalo akong sumasaya at na iinspire na magsulat pa. Sa tuwing nakakabasa ako ng mga blogs ng ibang tao naihahayag ko ang kritiko ko, marahil nasanay na ako dahil ito and dati kong gawi.
Minsan ko ng naisulat ang tungkol sa life coach ko, kay CHARMIE L. TAHANLANGIT. Naisulat ko na rin ang galak na meron ako sa wina One-to-One ko na si GAYDA PHIDES M. ADVINCULA, at sana lang ay mabasa niya ang blg ko dahil ang alam ko ay wala siyang multiply account. Naisip ko lang hindi sila ang unang mga tao na nakilala ko sa ikalawang pamilya ko, hindi rin naman sila nag nagdala sa akin sa kung nasaan man ako. Sarili kong desisyon ang i submit ang sarili ko kay God, sarili ko ring desisyon ang muling bumalik sa every nation. Ngunit may isang taong naging rason upang mabigyan ako ng tsansya na makilala ang bago kong mga kapamilya.
Isang kakaibang thursday ang naranasan ko noong July nang nakaranng taon. Sa PDPR class namin ay mayroon kaming dalawang propsor, angisa ay empleyado ng school ang si naman ay mula sa Every Nation Campus Ministry. Siya si Ptr. Keith Deloria, coach keith sa amin pero hindi siya ang rason...isa siya! Noong araw na iyon nakatakdang sumailalim ang aming klase sa isang maiksing pagsusulit. 12:00-1:30 ang klase naman sa kaniya. Alas onse na at handa ako para sa klase ko pag dating ng alas onse kwarenta y' singko biglang sumakit ng husto ang tiyan ko...kakaiba...dahil di ko pa naranasan ang ganoong sakit. Nakakapagtatajka dahil ala una ay nawala ang sakit ng aking tiyan. Habang iniinda ko ang sakit tinext ko ang kaklase na sabihin kay coach keith kung pwede ba akong kumuha ng special exa, sa kasamaang palad hindi siya pumayag. Lubos ang pagtataka ko dahil halos isang oras lang ang matinding sakit at bigla na lang itong nawala. Nakapasok ako ng mga sumunod na subject at pagkatapos ng break namin ay nakita ko si coach keith sa harap ng Blg. 3 kasama si ate onie at isang babaeng estudyante. Kinausap ko siya at pinaki usapan kung pwede akong kumuha ng special exam, hindi siya pumayag. Pinilit ko siya, hanggang sa tinananong niya ang kasama niyang estudyante kung bibigyan ba ako ng pagkakataon "oo" ang sagot ng naturang estudyante. Binigyan ako ng pagkakataon sa pag punta sa isang saturday event makikita ni Coach Keith ang sinsiredad ko.
Dahil sa isang "oo" ng estudyanteng iyon nabago ng lubusan ang buhay ko. Siya ang naging daan para makilala ko si God. Dahil sa simpleng "oo" ni JACKELYN RULL.
Siya nga ang "the door keeper" kung hindi dahil sa kanya hindi mabubukasan ang pintuan para sa akin.
Simple lang siyang tao, mahinhin at natatangi ang ganda (naman!). Tahimik na tao, halos di makabasag pingan ngunit sa kanyang prinsipyo at katatagan madadala ka. Palangiti, maningning ang mga mata ngunit sa tuwing nahahaplos ang puso hindi mapigilan ang luha sa kanyang mga mata. Wala na akong maisip na mga salita para i-describe ang taong ito.
Marami kaming bagay na nakakapagsunduan lalo na sa ang "techy" na usapan. pag dating din sa ilang parehas na hilig namin. Hindi man ganoon magtagpo ang aming mundo mayroon naman kaming malalim na samahan. Nang una akong tumuntong sa EN para akong isang estranghero sa isang bayan, ngunit nawala ito ng nilapitan ako ng "the door keeper" at kausapin at ipakilala sa iba nitong kasamahan.
Sa totoo lang isa siya sa mga naging sandigan ko sa tuwing nagkakaroon ako ng problemang panrelasyon sa mga bago kong kaibigan. Isa siya sa "cirle of councilors" ko. Nito lang dumaan ako sa iasang pagsubok na halos isuko ko ang paglaban, ngunit isa siya sa mga taong naghikayat sa akin upang lumaban pa at turaan ang puso kong huwag mag higanti.
Isa rin siya sa mga iniidolo ko pagdating sa katatagan at FAITH! Isa talaga siyang fishers of men. Sa wisdom rin na meron siya...pwede ka ng makagawa ng sarili mong prinsipyo. Isang patunay na isa nga siyang totoong LEADER!
Jackelyn Rull (Jacky,madam,Katy Perry) saludo ako sa iyo!
Lagi mong tatandaan na you are the reason why im at every nation!
Iniidolo kita!
Huwag ka ng iiyak sa mga letters ko, i mean nandito ako to be your crying shoulders!
Hindi ka lang sa Valentines makakareceive!
Lav Yah Girl.
Rock on!

©impulselee,May 2013. All Rights Reserved

Sa Aking Panaginip: Ang Unang Gabi

“Aish! And daming tao!” Alam ko na normal ang ganitong pagkakataon dahil araw ng enrollment namin pero di ko maiwasang mainis dahil sa init at pag-aantay ng matagal. Habang nag-hihintay na makapag enroll, pinagmasdan ko na lang ang mga tao sa paligid ko hanggang sa may napansin akon kamangha-mangha sa aking harapan.

Kapansin-pansin ang lalaking ito dahil sa angking tindig at kagwapuhan, pinagmasdan ko siyang maigi. Ang kanyang mga mata, kutis pati narin ang hairstyle. “Cute niya!” bulong ko saking sarili. Malipas ang ilang minuto, napatingin siya sa akin. “Lagot! Nakatitig ka kasi sa kanya” pinapagitan ko na ang sarili ko sa aking isip. Maya-maya pa at lumapit siya ng tuluyan.
“Hi pwede bang makipagkilala?” tanong niya, sa sobrang gulat ko, hindi ako makagalaw, nanigas ako sa sobrang kilig.
“Kristof” sabi niya habang pilit na inihahain sa akin ang kanyang kamay para makipag shake hands.
“Hi, A-a-ako si Lean” nauutal kong sagot sa kanya. Ang kanyang mga kamay ay kasing lambot ng bulak. Naisipan niyang tumabi sa akin habang hinihantay naming an gaming pagkakataon na makapag enroll. Nakakatuwang isipin na may isang gwapong lalaking nagpakilala sa akin at kinakausaap ako. Napunta sa buhay pag-ibig ang uspan naming, kanyang itinanong ang lagay ng love life ko. Nabibigla talaga ako sa mga tinatanong niya at kanyang mga kilos. Di ko maintindihan kung saan kami tutungo, basta ang alam ko lang masaya ako sa mga oras na ito. Di ko maiwasang mamangha sa kanyang mga ngiti, habang nagku-kwento siya ng kanyang karanasan sa pag-ibig, di ko ring maiwasan i-kwento sa kanya ang aking mga karanasan.

Lumipas ang mga sandali at lalong gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya. Nakakapanghina talaga ang kanyang mga ngiti, bigla niyang naalala ang mga dating nagging karelasyon ko.
“Balang araw may lalaki ding magpapaiyak sayo”, sabi niya habang nakangiti. Nabigla nanaman ako sa kanyang mga sinabi, balak niya ba akong paiyakin? Habang iniisip ko ang mga katagang kanyang sinabi, dumating na rin ang pagkakataon naming sa enrollment, umusad na ang pila at kami na ang susunod pero di ako makagalaw…hindi ko maigalaw ang aking mga paa.
“Lean, tayo na!” sabi niya, “Lean! Lean!” sumisigaw na si Kristof pero di ako makaalis sa kinakatayuan ko.

“Lean! Lean!” tawag niya ulit.

“Lean!”….




“Lean! Bumangon ka na tanghali na! Mali-late ka sa school!” gising ng mommy ko. Ano? Panaginip lang ang lahat. Tama, yun ang unang pagkakataon na pumasok siya sa aking panaginip. Kinabukasan alam ko sa sarili na kakaiba na ang nararamdaman ko para sa kanya.
Matagal ko na siyang crush at di ko akalaing mabibigyan kami ng pagkakataon na maging mag kaklase. Hindi ko rin lubos maisip na ang mga huling salitang kanyang panaginip ay mangayayari sa totoong buhay.

Sa unang pagkakataon, may lalaking nag-paiyak sa akin at wala ng iba kung hindi siya! Pagkalipas ng isang lingo na pumasok siya sa aking panaginip, napaiyak niya ako…

“Pwede po kay Kristoff?
“Speaking, sino to?”
“Si Lean toh”
“Oh, bakit napatawag?”
“Alam mo ba yung number ni Jet?”
“Oo, ito…5425252.”
“Ah thank you!”
“May gusto ka ba sakin?”
“Huh…wa—wala!”
“umamin ka na, napansin na kita”
“uhm…kasi…oo”
“Lean, alam mo na di tayo pwede diba, masasaktan ka lang”
“pero….kasi….” at simula ng tumulo ang mga luha ko
“parehas tayong lalaki ang gusto, alam mo yan diba, so, buti pa tigilan mo na”

Ouch! Wala na sigurong sasakit pa sa mga sinabi niya, ang lalaking naging “apple of my eyes” sa loob ng 2 taon ay lalaki din ang gusto, ngunit di lang pala sa panaginip na iyo matatapos ang lahat.



Ang likahang ito ay alay kay Kristoffer, ang taong nag plabas ng angking talento ko pagsulat. Taong nagpakita ng Sining sa aking buhay. Ang makulay naming High School!



©impulselee,May 2013. All Rights Reserved

Thursday, May 30, 2013

River Banks


Payapang ilog sa aking harapan
Tulungan mo ang puso ko.
Bagay na dumadaloy dito
Ako ngayo'y nalilito

Payapang ilog sa aking harapan
Pag-ibig ko anurin mo.
Bagay na dumadaloy dito
Paratingin mo damdamin ko.

Payapang ilog sa aking harapan
Tinig ko pakingan mo.
Bagay na dumadaloy dito,
Isama mo pati puso ko.

©impulselee,May 2013. All Rights Reserved

Tuesday, May 28, 2013

Himig ng Tahimik na Puso


Himig ng tahimik kong puso iyong pakinggan
Diwa ng aking isp iyong silipin
Naway' malaman mo aking ibig sabihin

Silipin, pakinggan...
Iyong puso't isipan buksan
Ako'y papasok, nawa'y tanggapin
Awit ko, alay sa'yo.

Halika sumabay sa awit ko.
Lasapin, damhin himig nito
Isipin, sariwain ang handog ko sa'yo
Obrang binasag ng mga munti kong tinig
Tinig ng tahimik kong pag sinta.

  ©impulselee,May 2013. All Rights Reserved

Sunday, May 26, 2013

Ano?

Sa bawat paglipas ng panahon, sa bawat oras na lumilipad, sa bawat kantang natatapos at sa sakit na nararanasan. Hindi ko alam kung saan tutungo o saan aayun. Sa oras na ito lubos akong nalilito. Saan? Kailan? at Paano? . Hindi ko alam ang gagawin. Marami akong gustong itanong, gawin at malaman.
Sa bawat ideyang lumilipad at sa bawat titik na naisusulat. Di ko alam kung saan at kailan. Ngunit iisang bagay lang ang alam ko...kahit ano pa man ang mangyari, sa may lalang na may hawak ng buhay, ipinagkakatiwala ko ang lahat. Sa IYO na nagpapatakbo nito, kahit ano susundin ko kahit kapalit nito ay mga pangarap ko.

  ©impulselee,May 2013. All Rights Reserved